Songtext
Itong awiting ito ay alay sa 'yo
Sintunado man 'to, mga pangako ko sa 'yo
Ang gusto ko lamang
Kasama kang tumanda
Patatawanin kita 'pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita 'pag nirayuma ka na
Oh, kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
Ibibili ng balot 'pag mahina'ng tuhod
Ikukuha ng gamot 'pag sumakit ang likod
Oh, kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
Sasamahan kahit kailanman
Humigit kumulang, 'di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa 3001
Loves na loves pa rin kita, kahit bungi-bungi ka na
Para sa akin, ikaw ang pinakamaganda
Oh, kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
At nangangako sa 'yo 'pag sinagot mong "Oo"
Iaalay sa 'yo'ng buong puso ko
Sumang-ayon ka lamang
Kasama kang tumanda