歌词
Huwag mo sanang iisiping napapagod na 'ko
'Di ako apurado, pero sa 'yo, ano ba 'ko?
Gusto ko lang kasi makasigurado (Flip-D on the beat)
Matagal na panahon na kita balak tanungin
May pag-asa ba 'ko, bakit 'di pa sagutin?
Sabihin mo, ano pa ba ang dapat kong gawin
Bukod sa araw-araw kita dapat mahalin?
Pero huwag mag-alala kasi hindi ako titigil
Kung 'di ka pa handa, 'di naman ako mainipin
'Di pa kita pipilitin, tuloy-tuloy ko lang 'to gagawin
Na araw-araw kita dapat mahalin
Araw-araw kita love (whoa), dati ayaw ko gawin lahat
Pero ngayon, dahil sa 'yo, hindi na 'ko tamad
Kahit na anong iutos mo tinutupad
Sunod agad kasi 'yong kapalit, ki-kiss mo sabay hug (whoa)
Galawang binatilyo, mabait na pilyo
Sumipag magsipilyo kasi baka amuyin mo
Tinigil ko lahat pati alak at sigarilyo
Kasi gusto ko, i-ikaw na lang ang aking bisyo
Laging bumibili ng pabangong matapang
Kagaya ko na sa lahat handa kang ipaglaban
Ikaw ang dahilan kaya ko nagawa 'yan
Ang daming nabago sa 'kin nang hindi ko namamalayan
Tumataya ako ng pati pato pagdating sa 'yo
Nandiyan agad ako 'pag kailangan, darating ako
Hatid-sundo ka lagi kaso natatakot na 'ko
Kasi 'di ko sigurado kung sasagutin mo ba 'ko
Huwag mo sanang iisiping napapagod na 'ko
'Di ako apurado, pero sa 'yo, ano ba 'ko?
Gusto ko lang kasi makasigurado
Matagal na panahon na kita balak tanungin
May pag-asa ba 'ko, bakit 'di pa sagutin?
Sabihin mo, ano pa ba ang dapat kong gawin
Bukod sa araw-araw kita dapat mahalin?
Pero huwag mag-alala kasi hindi ako titigil
Kung 'di ka pa handa, 'di naman ako mainipin
'Di pa kita pipilitin, tuloy-tuloy ko lang 'to gagawin
Na araw-araw kita dapat mahalin
Araw-araw kita love, tandaan mo
Basta huwag na huwag mong sasabihin na hanggang dito lang lahat
Hindi magrereklamo 'to kasi hindi pa tayo
Alalay mo 'ko sa lahat ng bagay, tagapayo
Tagabitbit ng gamit mo palagi para lamang
Huwag kang magbubuhat ng mabigat, akin na nga 'yan
Huwag mo lang maramdaman kung pa'no mahirapan
'Pag mabigat ang 'yong dinadala ay dadamayan
Kahit 'di ako matso, ito ang tandaan mo
'Di ka puwedeng bastusin 'pag magkasama tayo
Hindi ako papayag mahipuan ka sa kanto
Hay, naku, makikipagsapukan talaga 'ko