歌词

BP records
Sawndass Music, baby

Sana ay dumating na rin ang panahon na hiniling
Na dinadaing sa kada bituin
Laging nakatingin at nakamasid
Hirap man abutin ang katulad mo (ng katulad ko)
Pero sana'y mapansin mo rin ang bawat sulat ko na nagsasabing
"Ako'y para sa 'yo, at ikaw ay para sa akin"
Pero kahit alanganin man (ang mapasa akin ka)
Maghihintay na lang ako kasi

歌词在下面...

不想看到广告?马上升级

Alam kong darating ka rin balang araw
'Di man ngayon 'yung panahon na 'yon, ayos lang
Alam kong darating ka rin, kahit 'di ko man hilingin
Maghihintay pa rin ako sa 'yo kasi
Alam kong darating ka rin balang araw
'Di man ngayon 'yung panahon na 'yon, ayos lang
Alam kong darating ka, muling magpapadama
Ng tunay na pagmamahal kaya salamat, sinta, alam kong darating ka

Binibini, 'di man sa ngayon, ako ay maghihintay pa rin
Sa 'yong pagdating, dahil ikaw ang hiling ko sa mga bituin
Handa ko namang tiisin, ang siyang pananabik
Na maranasan at matikman ang yakap at halik mo
Maliit lang ang mundo, oo, 'di ako kagusto-gusto
Pero 'lam kong matatanggap mo 'kong gan'to
'Pagkat tayo'y tinadhana
Sa kahuli-hulihan tayo rin magsasama

Alam kong darating ka rin balang araw
'Di man ngayon 'yung panahon na 'yon, ayos lang
Alam kong darating ka rin, kahit 'di ko man hilingin
Maghihintay pa rin ako sa 'yo kasi
Alam kong darating ka rin balang araw
'Di man ngayon 'yung panahon na 'yon, ayos lang
Alam kong darating ka, muling magpapadama
Ng tunay na pagmamahal kaya salamat, sinta, alam kong darating ka

Alam kong darating ka din, kahit 'di man hilingin
Magagandang alaala, sabay nating angkinin
Kung pagsasalubungin, 'wag natin palagpasin
Mga pagkakataong handog ng mga bituin, uh
'Di naman mainipin, masulit na tanawin
Pinagsikapang hintayin, makapiling ka pa din
Ang mahalaga kung ako'y papilin ay
Walang iba, ikaw lang, binibining Pilipina

Matagal man dumating ka, okay lang 'yan, 'di ba?
Sabi nga nila, "Walang kasing tamis 'yung unang pagkikita"
Kung ikaw ay nasabik makilala, dahilan ng pagngiti mo sa tuwina
Handa ako na maghintay, hanggang ikaw ay mapasakamay
Magsasama habambuhay, aalayan ng pag-ibig na wagas
Na wala nang makakapantay

Alam kong darating ka rin balang araw
'Di man ngayon 'yung panahon na 'yon, ayos lang
Alam kong darating ka rin, kahit 'di ko man hilingin
Maghihintay pa rin ako sa 'yo kasi
Alam kong darating ka rin balang araw
'Di man ngayon 'yung panahon na 'yon, ayos lang
Alam kong darating ka, muling magpapadama
Ng tunay na pagmamahal kaya salamat, sinta, alam kong darating ka

Darating ka rin sa tamang panahon
'Di man ngayon, naniniwala 'ko sa pagkakataong
Pagmamahal mo balang araw sa 'kin ay matutuon
Makakasama rin kita hanggang pang habang-panahon na
'Wag ka nang lumingon pa sa iba
'Pagkat andito lang ako upang sumaya ka
Naging madamot man ang panahon na makilala ka
Pero magtitiwala lang ako na tayong dalawa ang mag-ibigan

Sa dulo ng walang hanggan na kahit anong dumaang unos
Ipapangako na tayong dalawa magmamahalan
Hanggang sa huli, pag-ibig ko sa 'yo lubos
Alam kong darating ka rin, bituin na matagal kong hinihiling
Dinggin ng Maykapal, sana pansinin rin din niya
Na may tao na nakahanda na mahalin ka

Alam kong darating ka rin balang araw
'Di man ngayon 'yung panahon na 'yon, ayos lang
Alam kong darating ka rin, kahit 'di ko man hilingin
Maghihintay pa rin ako sa 'yo kasi
Alam kong darating ka rin balang araw
'Di man ngayon 'yung panahon na 'yon, ayos lang
Alam kong darating ka, muling magpapadama
Ng tunay na pagmamahal kaya salamat, sinta, alam kong darating ka

Darating ka rin balang araw

Writer(s): Tome Justine Garvida, Vincent Bautista, Dan Leo Villanea, John Benzon Hesarza, Nathaniel Mendoza

不想看到广告?马上升级

API Calls

从 Spotify 记录音乐?

将您的 Spotify 帐户连接到您的 Last.fm 帐户,通过任何设备或平台上的任何 Spotify 应用记录您所听的一切内容。

连接到 Spotify

关闭