歌词

'Di ko lang maisip-isip na
Dati ika'y panaginip-ginip lang
Ginagawa lahat-lahat upang mapansin mo
Kay dami-daming oras na pinilit
Pagkasyahin upang makasabay ka sa jeep
'Di baleng maghintay basta't makatabi sa 'yo

Aking mundo'y tila huminto
Nang tinawag mo'ng pangalan ko

歌词在下面...

不想看到广告?马上升级

At pinagtagpo tayo ng pag-ibig
Kahit na malabo't tutol ang daigdig
Oh, hindi na kailangang banggitin at pag-usapan
Ang kay dami-dami-daming pinagdaanan
Na hindi mo lang alam, ooh, ooh
'Di mo lang alam

Naaalala mo pa kaya
No'ng mga panahong ako'y napahiya?
Bigla-bigla na lang nadapa't ikaw ang sumalo
Kabog ng puso'y 'sing lakas ng kulog
Habang tuhod ko'y tuloy ang pagngatog
Sabi mo, "Ingat ka," sabay ngiti at tumango

At hinawakan mo ang kamay ko
Tila oras ay biglang huminto

At pinagtagpo tayo ng pag-ibig
Kahit na malabo't tutol ang daigdig
Oh, hindi na kailangang banggitin at pag-usapan
Ang kay dami-dami-daming pinagdaanan
Na hindi mo lang alam

Ngayon ay katabi ka na, ah
Sabi mo noo'y nag-aabang ka din pala
Umaasang ako'y makita
Masilayan man lang ang aking mukha
Kaya pala

Pinagtagpo ng pag-ibig
Kahit na malabo't tutol ang daigdig
Oh, hindi na kailangang ilihim pa't magkahiyaan
Oh, kay dami-dami-daming pinagdaanan
Na hindi mo lang alam

'Di mo alam (oh, 'di mo lang alam)
'Di mo alam ('di mo lang alam)
'Di mo alam
'Di mo alam (oh, whoa)

Writer(s): Juliet Bahala

不想看到广告?马上升级

API Calls

从 Spotify 记录音乐?

将您的 Spotify 帐户连接到您的 Last.fm 帐户,通过任何设备或平台上的任何 Spotify 应用记录您所听的一切内容。

连接到 Spotify

关闭