歌词
Nakatingala sa kalangitan
Mukhang may sinasabi sila
Ano'ng paraan ang kanilang alam?
Sana ay makamtan na
'Pagkat ako'y nag-iisa
Inaasam na maka-usap ka
Sa kinalalagyan mo
Iba'ng 'yong mundo
Sana maka-usap ka na
Sana'y rinig tibok ng pag-ibig
Kahit magkabilang daigdig
Hanggang kailan ang pag-aabang?
Maghihintay lang ba ng himala?
Kung mawalan man ng pag-asa
Sana'y malaman mo na
Ako ay laging abala
Kung pa'no makakapunta
Sa kinalalagyan mo
Iba'ng 'yong mundo
Sana maka-usap ka na
Sana'y rinig tibok ng pag-ibig
Kahit magkabilang daigdig
Hanggang ngayon ay ikaw pa rin
Sana'y nar'yan hanggang sa huli
Maubos man ang bituin
At kung 'di ka man mapasa 'kin
Ako'y narito lang at maghihintay