歌词
'Di man natin hawak ang tadhana
Ibubulong na lang kay Bathala
Na hanapin
Na hanapin
Ang bawat butil ng pagmamahal
Ng pag-ibig na magtatagal, kailanman
Sa 'kin na lang ang pag-asang muling makikita
Na tayo pa rin sa huli
Umikot man ang mundo't mawala man ang tayo
Ikaw pa rin sa huli
Suntok sa buwan man ang mga pangako
Sisikapin kong hindi maglaho
At hanapin
Hahanapin
Ang apoy ng 'yong magmamahal (unti-unti na bang nawawala?)
Na sinisigaw sa langit at dinarasal, kailanman
Sa 'kin na lang ang pag-asang muling makikita
Na tayo pa rin sa huli
Umikot man ang mundo't mawala man ang tayo
Ikaw pa rin sa huli
Ang oras (umiikot ang oras at 'di babalik)
Hinding-hindi titigil (ang kahapong nasayang sa pagkakamali)
'Wag magsumamo (umiikot ang oras at 'di babalik)
Papanig sa 'tin (ang kahapong nasayang sa pagkakamali)
Oras na ang nagtakda, na ang tadhana
Sa 'kin na lang ang pag-asang muling makikita (whoa)
Na tayo pa rin sa huli (whoa)
Umikot man ang mundo't mawala man ang tayo
Ikaw pa rin sa huli (sa huli)