歌词

Silang luminang ng lupa
Sikmura'y di man lang mapunan
Ilang dekadang pagkamkam
Monopolyo ng iilan
Di nakatapak sa lawak ng lusak
Pilit ipinapagkait
Mga gahaman, tuktok nakinabang
'Bang tayo'y salat at galit
Samantala, silang nagpapakasasa sa lupa
'Gang nakaluklok, sistema pananatalihing bulok
Kung libong yapak ang tatahak
Lindol ay tiyak
Kung yumanig ang sahig
Kahit mga tore babagsak

Nakaugat lahat sa lupa
Nakaugat lahat sa lupa
Puno't dulo non, doon ang solusyon
Nakaugat lahat sa lupa
Sa lupa ililibing, ibabaon kayong mga di nakatapak sa lupa
Kayong mga di nakatapak sa lupa, ililibing ibabaon

歌词在下面...

不想看到广告?马上升级

Aanhin ang aning di mapupunta sa atin
Angkatin dayuhang gamit sa lupa natin tinanim ang binhi
Nabatid ang sanhi ng kagutuman
Walang kasarinlan
Iba pinagsisilbihan
Nililinlang mga naglilinang ng lupa
Puro pekeng reporma, pumeprenteng makamasa
Bungkalan ang aming, paghihiganti
Babawiin ang lupa mula sa kamay ng mga sakim

Darating, darating ang araw na di na problema
Kung paano kakain, paano pa pagkakasyahin
Sa araw araw, paano pa titiisin
Darating, darating din araw na lupa ay babawiin
Lilikhain natin, para sa atin
Darating
Darating

Nakaugat lahat sa lupa
Nakaugat lahat sa lupa
Puno't dulo yon, doon ang solusyon
Nakaugat lahat sa lupa
Sa lupa ililibing, ibabaon kayong mga di nakatapak sa lupa
Kayong mga di nakatapak sa lupa, ililibing ibabaon

Paglaya ang pagbasag ng tanikala sa lupa
Paglaya ang pagbasag ng tanikala sa lupa
Darating
Darating din
Darating
Darating din
Darating
Darating din
Darating
Darating

不想看到广告?马上升级

API Calls

从 Spotify 记录音乐?

将您的 Spotify 帐户连接到您的 Last.fm 帐户,通过任何设备或平台上的任何 Spotify 应用记录您所听的一切内容。

连接到 Spotify

关闭