歌词

Panahon na naman ng
Pag-ibig at mukhang marahan
Ang oras ay lumilipas

Hindi ko malaman kung bakit
Parang napag-iiwanan
Na ko ng kapaligiran

歌词在下面...

不想看到广告?马上升级

Sino bang may sabing
Kailangan mo ng
Kasabay maglakad sa daan
Hawak na kamay patungo sa paroroonan

Dahil ang totoo'y kaya ko, kaya mo
Mabuhay sa mundo
Nang walang kapareho

Huwag hayaang diktahan ng
Kaisipan ng iba ang kasiyahan mo
'Di lang romansa ang pag-ibig sa mundo

Alam kong mahirap 'wag tingnan
At 'di mangarap sino ba naman
Ang hindi matutukso kung sa bawat lingon mo

May nag-iibigan
May nagsusumpaan
Bago ka magmahal
Siguraduhin na

Hindi malilimutan ang iyong halaga
At huwag pahintulutan
Na umikot ang buhay sa isang
Taong pwedeng mawala

Dahil ang totoo'y kaya ko, kaya mo
Mabuhay sa mundo
Nang walang kapareho

Huwag hayaang diktahan ng
Kaisipan ng iba ang kasiyahan mo
'Di lang romansa ang pag-ibig

Sa mundo kung saan nakabibighani
Ang ideya ng pagmamahalang bukod-tangi
Kaya marami ang nagbabakasakali
Baka ito ang sagot sa dalamhati

Madalas tuloy malimutang
Hindi sagot sa kalungkutan
Ang pagtayang hindi pinagiisipan

Umaasang matagpuan ang inilaan
Upang tabunan ang mga butas
Na maaari namang punan

Ng kalinga mula sa mga taong nais kang umahon
Kung hindi pa kayang maglakad ay simulan sa pagbangon
Sa dinami-rami ng dahilan para ngumiti
Ba't mas pinipili ang manatili sa kahapon

Pero ang katunayan
Ay hindi talaga mag-isa
Sadyang lang magkaiba
Ang inaasam sa kailangang aruga

Arugang alam ingatan ang sarili
At sa kada hakbang
Walang tigil ipaparamdam
Na hindi ka nag-iisa

Dahil ang totoo'y kinakaya ko at kakayanin mo
Nang walang kapareho
Pagtuunang matutunang
'Di tira-tirang pagmamahal lang ang
Dapat ilaan sa'yo
Kundi ang mundo

Pa'no maibibigay sa iba ang bagay na wala ka
Ang pag-ibig ay 'di lang romansa

Writer(s): Garcia Dan Frederick Campo

不想看到广告?马上升级

API Calls

从 Spotify 记录音乐?

将您的 Spotify 帐户连接到您的 Last.fm 帐户,通过任何设备或平台上的任何 Spotify 应用记录您所听的一切内容。

连接到 Spotify

关闭