歌词
Nag-aabang, nagmamasid
Aninong pasimpleng umaaligid
Pabago-bago ng anyo
Ano ba'ng kailangan mo?
Ang mga pader at kisame
Nangingitim, lalong sumisikip
Sinusubukang buksan ang pinto
Walang kakibo-kibo
Knock, knock! Mayro'ng kumakatok sa pintuan
Lagi sa alanganing oras nagpaparamdam
Masamang panaginip, naalimpungatan
Knock, knock! Mayro'ng kumakatok sa pintuan
Lagi sa alanganing oras nagpaparamdam
Tindig-balahibo, lamig na tumatagos sa buto
Sa pagkagat ng dilim, masasamang sagimsim
Kahit balewalain, lalong nagpapapansin
Humahampas sa balat, lalamunang namamalat
Naaamoy takot na dumadaloy sa ugat
Pilit na pinipihit ang busol
Na malapit nang bumigay
Nilalang na hindi ka tatantanan
Nariyan lang at hindi ka iiwan
Knock, knock! Mayro'ng kumakatok sa pintuan
Lagi sa alanganing oras nagpaparamdam
Masamang panaginip, naalimpungatan
Knock, knock! Mayro'ng kumakatok sa pintuan
Sa alanganing oras pa talaga nadatnan
Tindig-balahibo, lamig na tumatagos sa buto